#TBT: Bakit ang mahal maging tanga?
In line with the #TBT hashtag, my lack of old decent pictures, and my goal to update this blog often, here are throwback posts that features a series of my favorite, embarrassing, and memorable blog posts.
October 4, 2011
Naniniwala ako sa "Balance of Nature". Hindi pwedeng maganda at matalino ka ng sabay (Oo, bitter ako. Maganda lang kasi ako pag naayusan kaya pagbigyan niyo na). Ang ganda ko ngayon. Maayos ang buhok, naka skirt, slight make-up, poised, naka heels buong araw. Positive rin yung outlook ko kasi sa buwan na 'to kaya siguro may aura akech.
Mahal ko si Elmer. Mahal ko ang Android. Pero ang rami kong kaibigan na naka BB kaya nate-tempt ako mag BB na rin. Sinasabi ko lang sa sarili ko na kelangan di ko na magamit si Elmer bago ako bumili ng phone.
Kagabi lang may ka-text ako. Nung isang araw pa lang, ang labo ng signal ng globe. Iniisip ko baka dahil sa bagyo. Ngunit kagabi bago ako matulog wala ng signal ang phone ko... hanggang kaninang pag gising ko.
So buong araw wala akong signal. Nakigamit ako ng ibang phone para check yung signal. In all fairness to me, may nakita akong bars dun sa phone ng officemate ko. Pinatay ko agad kasi siyempre, nakigamit lang ako para i-check (more on this later).
"Gaano na ba katagal sayo phone mo?"
"1 year and 5 months. Parang mga past relationships ko lang. HUHLOLZ."
"1 year and 5 months. Parang mga past relationships ko lang. HUHLOLZ."
"Wala talagang nagtatagal sayo no?"
"Hindi lang sila nagtitiyaga." (I'm talking about my cellphones here :p)
"Hindi lang sila nagtitiyaga." (I'm talking about my cellphones here :p)
Sabi ko sa sarili ko, ang alam ko may service center ang SE sa megamall, so nagpasama ako kay Darren after work para paayos ang phone ko. Para rin sigurado na may bantay ako. Dapat nga sa Payless or Forever21 kami magkikita. Ayaw niya kasi malamang bibili ako. Kahit National Book Store ayaw akong papasukin. Hehe. Anyway, pag dating sa Mega, wala pala dun yung service center nila. Sa may Pioneer pa at sa SM North. So sabi ko, sige bili na lang ako ng bagong phone tapos paayos ko si Elmer and if may gusto bumili, benta ko na.
Tumingin ako ng BB syempre, nagpakabait pa nga ako kasi hindi yung pinakamagandang unit ang binili ko (sucker kasi ako mga mahal at bagong bago). Pero bago ako bumili, sabi ko kay Ate tindera "Ate, tingin muna ako ng case ha. Kasi acidic ako, masisira agad casing niyan pag walang protection. Balik na lang ako pag may nakita ako".
Eh di lakad lakad kami sa cyberzone, pag kita ko sa isang stall, 100 lang casing. Tinanong ko na rin magkano casing ng Xperia X10, 100 lang rin daw tapos 150 ang screen protector. Ang lola mo kung kelan sira ang phone saka bumili. Hehe. Pagbalik ni Darren nagtanong siya agad kung ano yung mga pinagbibibili ko sabay sabi ng "Nalingat lang ako ng ilang minuto, ang rami mo ng nabili?" Nagpaliwanag pa ako na syempre dapat pag ibebenta ko siya presentable and whatever reasons I could think of. Minsan kasi marason rin ako, lalo na pag sa spending skills ko. Napansin ko sa stall may free estimate. "Ate nag aayos rin kayo ng phone?". Oo raw. "Pacheck na rin nito, kasi walang signal eh. Tapos pasabi kung magkano paayos". Sige raw, pagbalik raw ng kasama niya. Eh ang tagal, tapos nilalagay pa yung screen protector. So sabi ko balik na lang ako. Bilhin ko na muna yung isang phone.
Eto na ang katangahan part.
So ayun diba? Punta na ako ng shop. Pinalabas ko na yung phone. Tapos sabi ni Ate tindera, "Ma'am lagay ko na yung battery para check ah". Eh pag binuksan yung mga plastic, wala ng balikan yun kung ayos. E di go! Excited ang lola mo eh. Nilagay ang sim ko, tapos nilagay ang battery sabay bukas ng phone. Searching network.... Error! Punyeta! SIM KO ANG MAY PROBLEMA! PAKENSHET! We tried using Darren's sim, gumana! Naloka loka ako. Wala na eh. Andiyan na. Eh di binili ko na (madali lang naman akong kausap. Hehe). Habang binabayaran sabi ko kay Darren punta na siya ng globe to get a number so that I could replace my sim immediately. After paying, dumaan ako dun sa isang stall to get my other phone. True enough, ok naman daw nung nilagyan nila ng sim. Tawa na lang ako.
Alam ko chineck ko yung sim ko sa phone ng iba. Dapat siguro inantay ko ng matagal or mas-dapat na sinigurado ko na phone signal yung tinignan ko at hindi battery.
Ayun, was able to get a sim replacement pero hassle pa kasi nalagpasan yung number namin kasi kumain pa kami (tapos talagang pinagtatanggol ko yung sarili ko kung bakit paniwalang paniwala akong sira ang phone ko nung kinaumagahan). So we had to wait for a few more minutes.
Paglabas ng Mega, papunta pa ako ng Edsa, eh dapat Podium kami pupunta. O diba? Lost lang. Hehehe.
Anyway, I'm pretty sure my friends would still love me kahit na marami-rami na akong tanga moments. Actually, feeling ko isa yun sa mga nagustuhan nila sa akin (payagan niyo na akong i-redeem ang sarili ko. LOL). Affirmation!! I need affirmation! :p
So dahil diyan, nadagdagan ang aking collection of anti-social things. At super obvious naman kung ano ipapangalan ko sa kanya diba? So guys, I would like to introduce.. Brandon Boyd.
BB kowz |
Right now, I'm not sure if I really want to let Elmer go. I mean pwede ko pa siyang gamitin as ebook reader. At yung mga games na gusto ko sa android, di ko pa ma-let go. So we'll see. :)
---
I sold Elmer, and now BB is resting in front of my television. We stayed together for a year and a half just like my past relationships. But I keep him near, for rebound purposes.
---
I sold Elmer, and now BB is resting in front of my television. We stayed together for a year and a half just like my past relationships. But I keep him near, for rebound purposes.
Comments
Post a Comment